Adbokasiyang Pangwika
WIKANG FILIPINO ating pagyamanin,paunlarin at angkinin ang sariling wikang atin.
Wika?Ano nga ba ito?Ano ba ang kahalagahan nito sa atin?At sa mundong ginagalawan natin?Ano kaya ang mangyayari kung wala tayong wika,Mailalarawan pa kaya natin ang kagandahan ng paligid at maipapakita pa ba natin ang galit at ang ating mga nararamdaman?
Ang wika bagaman maikling salita subalit ang kahulugan at katangian ay napakalawak at napakalalim.Ang kakayahan nito'y mapaunlad ang isang tao at bansa,ngunit may kakayahan din itong magwasak kung mali at hindi angkop ang paggamit nito.Kailangan ng tao ang wika kahit sa ano mang anyo,pasulat o pasalita,hiram o orihinal,banyaga o katutubo wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng balita at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,pangkasaysayan o pampanitikan,pampolitika at panlipunan,pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensiya o ng iba pang disiplina.Maging ang kultura ng isang pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.Maraming tanong sa isipan ng isang tao mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw ,kilos at desisyon nito.Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad na lang ng wikang pambansa.Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya.Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon dahil dito nagkakaintindihan at naguugnay ugnay ang lahat ng tao.Iba't-ibang wika sa bawat lugar,komunidad at bansa.Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino,ano at meron tayo.
Lingid sa ating kaalaman na ang wikang Filipino ay ang pangunahing wika sa ating bansa,Ito rin ang ating pambansang wika.Laging ugaliin gamitin ang ating wika sa magandang bagay at huwag itong abusuhin.Dahilan na rin ng mabilis na paglipas nga panahon marami ng mga pagbabago naganap sa wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa wikang Ingles,Ang wika ay isa sa pinakamahalagang aspeto upang maging maunlad ang isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakilalanlan.Gamitin ito ng wasto at mahalin para na rin sa sa bawat isa sa ating mga Pilipino.
mahusay na pagbibigay kahulugan at pagpapahalaga sa wikang filipino ����
ReplyDeletePahalagahan at gamitin natin ang ating sariling wika kasi sa pamamagitan nito dito natin maipapakita ang pagkakaisa ng bawat pilipino.
ReplyDeletePero madalas di natin alam ang ibang wikang Filipino. Minsan ang akala natin na wikang Filipino na salita ay wikang espanyol.
ReplyDeleteKailangan protektahan,ipagtanggol ito,mahalin at higut sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ting wikang Filipino
ReplyDeleteKailangan talagang pahalagahan natin ang ating sariling wika upang ipakita na tayo ay nakakaisa sakabila ng pag kakaiba ng ating mga pananaw pero nagkakaisa sa wikang ating ginagamit
ReplyDelete