Posts

Adbokasiyang Pangwika

Image
  W IKANG FILIPINO ating pagyamanin,paunlarin at angkinin  ang sariling wikang atin.     Wika?Ano nga ba ito?Ano ba ang kahalagahan nito sa atin?At sa mundong ginagalawan natin?Ano kaya ang mangyayari kung wala tayong wika,Mailalarawan pa kaya natin ang kagandahan ng paligid at maipapakita pa ba natin ang galit at ang ating mga nararamdaman?        Ang wika bagaman maikling salita subalit ang kahulugan at katangian ay napakalawak at napakalalim.Ang kakayahan nito'y mapaunlad ang isang tao at bansa,ngunit may kakayahan din itong magwasak kung mali at hindi angkop ang paggamit nito.Kailangan ng tao ang wika kahit sa ano mang anyo,pasulat o pasalita,hiram o orihinal,banyaga o katutubo wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng balita at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,pangkasaysayan o pampanitikan,pampolitika at panlipunan,pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensiya o ng iba...